Monday, May 18, 2015

Xperia UL SOL22 Unlock done.


HISTORY NG UNIT: Galing po sya sa Japan at kailangan i-open line, kaso may screen lock sya nung una, so nag-flash po ako sa flashtool. Naging 4.2.2 po yung unit, pero di pa din lumalabas yung prompt box ng NCK code..


ACTION TAKEN:

1. Root phone with various tools found on the net, pero no luck.. nage-error sya pagdating sa adb shell..

2. Research. At ayun, may nakita akong video na may nakapag-unlock sa version 4.1.2, So nag-decide ako na mag-hanap ng mas mababang FW version at may nakita naman ako...
Xperia UL SOL22 4.1.2 at eto na din po yung pang-root na ginamit ko Xperia UL 4.1.2 Tested Root Tool

3. After mag flash at mai-root, hindi pa din lumabas yung prompt box after pressing *#*#7465625#*#*. So research mode ulet at eto naman ang nakita ko...
Xperia UL Not asking for unlock code
Pero sablay pa din sa ADB Shell, kaya sinubukan ko yung mas madaling method na makikita sa link na nasa itaas..


Ps. If you are unable to do this commands step i will suggest you to root the phone and then install root explorer and put the SimlockUnlockApp.apk manually into system/app/ and reboot.
5. Pumunta sa Playstore at mag download ng file explorer app (or kung may naka-ready kayo na installer, mas ok). In my case, mas gumana yung ES File explorer , basta rooted na yung phone yung permission na lang ng SuperSU ang hihingin nya, unlike sa Root Explorer na kailangan pang baguhin yung read-write permissions bago makapag move/copy ng file sa mga root directories... Ilagay ang SimlockunlockApp.apk sa root directory ng internal storage or MMC, then use file explorer at i-move SimlockunlockApp.apk sa system/app tapos i-reboot ang unit.

Sim Unlock Files

6. Type *#*#7465625#*#* at pag lumabas na yung prompt na humihingi ng NCK code, ipasok nyo na yung code na galing sa suki nyong Online Unlocking service.

And you're done...


SCREEN SHOTS:














NOTES:

1. Sinubukan kong i-install ng direkta yung SimlockUnlockApp.apk, pero hindi gumana.. kailangan talaga idaan sa procedure na nasa itaas..

2. Hindi ko nasubukan kung gagana din to sa 4.2.2 atrasado na po ako sa schedule na binigay ko sa customer kaya di ko na po masusubukan na i-upgrade ulet, kung may ma-encounter po kayo na 4.2.2, paki-try na lang, baka sakaling gumana nang hindi nyo na kailangan mag down grade..

3. Wala po akong SS nung sa prompt box nung paghingi ng NCK code, kasi nga po, na-excite.. 2 weeks na kasi saken to eh, hehehe!! pasensya na..

4. MAKE SURE NA MAY NATITIRA PANG UNLOCK TRIAL YUNG PHONE BAGO KAYO MAG-ORDER NG UNLOCK CODES. Type *#*#7378423#*#* then go to Service Info, then Sim Lock. Tignan ang Network, dapat hindi zero yung naka-indicate sa right side nya bago i-unlock..

5. Bago ko pa man po simulan na gawin yung buong proseso, may naka-lagay na po na non-accepted sim sa unit, make sure na buo yung sim na pangte-testing nyo.. Tsaka inupdate ko din sa playstore yung SuperSU, although di ko din sure kung kailangan pa yun, sinubukan ko lang i-update kasi sumasablay sa ADB shell, after ma-update nung SuperSu, failed pa din sya sa ADB Shell.

At ayun, dito na po nagtatapos ang pagbabahagi ko, sana po makatulong to sa inyo one of these days.. God bless and more power po

No comments: